Search Library
 





www.ateneo.edu


www.uhpress.hawaii.edu

 

Be a fan of Ateneo Press







Back to Top   


Book Info:


Sa Gitna ng Lusak
by Gerardo Chanco

Isinisiwalat ng nobela ang buhay ni Margarita Gautier, ang babaeng sinrikit at sinrupok ng mga talulot ng kamelya sa paningin ng gaya ni Armando Duval. Si Margarita ang salungatang sagisag ng malayaw o maingat na pamumuhay; ang bingit ng pagpuputa at pagmamahal; ang sukudulan ng siklo ng pagtatagpo, paghihiwalay, paghahanap, at muling pagtatagpo sa buhay ng mga umiibig, nagseselos o napopoot na tauhan. Si Margarita din ang kakatwan sa lipunan at panahon na kaniyang ginagalawan: ang panahon ng labis na pagtitimpi lalo na sa usaping may kinalaman sa sex at relasyong babae-lalaki. Sa mabulaklak na prosa ni Gerardo Chanco, naipamalas ang lahat sa paraang matalik sa mga Tagalog ng kaniyang panahon.

Si Gerardo Chanco ay isinilang noong 23 Abril 1889 sa San Miguel, Lungsod Maynila. Isang nobelista si Chanco ngunit higit siyang makikilala bilang tagasalin. Ilan sa kanyang mga salin ay Ang Hija ng Kardenal (La Hija de Cardenal ni Felix Guzzoni), at Sakit ng Katauhan (Les Miserables ni Victor Hugo). Yumao siya noong 29 Oktubre 1922 sa edad na 33 taon.

Copyright 2003. 5x7 inches. 304 pages.

ISBN: 971-550-462-0


 

9/9/2010


__________________________________________________________
The Library | About UsForthcoming
Award Winning Titles | Phil. Studies quarterly
NewBooks
  | Inquiry

Copyright © 2002 Ateneo University Press